Tala : Pakitandaan na bagaman ang ilang impormasyon ay naisalin sa karagdagang mga wika para sa inyong kaginhawaan, ang mga natitira sa website ng Park Canada at serbisyo sa customer ay nasa dalawang opisyal na wika ng Canada : Pranses at Ingles.

Cette page est aussi disponible en français

Matutong Magtayo ng Tent

Transcription

Matutong Magtayo ng Tent

Hello! Bonjour! Magandang araw po! Ito’y isang hakbang-hakbang na pagtingin sa kung ano ang dapat na asahan kapag itinayo ninyo ang inyong tent.

Pakitandaan na bagama't maaaring iba ang inyong tent sa ipinapakita rito, karamihan sa mga tent ay sinusundan ang parehong pangunahing mga hakbang.

Ang unang hakbang sa pagtatayo sa inyong tent ay maghanap ng naaangkop na lugar.

Gugustuhin ninyong pumili ng lugar na patag at walang anumang sagabal, gaya ng mga ugat, bato at sanga.

Sunod, buksan ang inyong bag ng tent at ilagay ang mga nilalaman sa malapit.

Bago kayo umalis para sa inyong biyahe, suriing muli ito upang siguraduhing dala ninyo ang lahat ng kinakailangang parte.

Ilagay ang katawan ng tent direkta sa lupa o sa isang sapin o footprint kung mayroon kayo.

Tiyaking itapat ang pinto sa direksyon kung saan ninyo ito gustong iharap.

Ang susunod na hakbang ay buuin ang mga pole.

Maingat na ipasok ang bawat seksyon ng pole sa kasunod nito . Ulitin para sa bawat pole na mayroon kayo.

Ngayon, kunin ang unang pole at ipasok ito sa sleeve at padalusin ito hanggang sa dulo.

Ikabit ang dulo ng mga pole sa aktwal na katawan ng tent.

Naikakabit ang tent na ito sa pamamagitan ng isang metal na pin at ring ngunit maaari itong gawin sa ibang paraan depende sa uri ng tent.

Ilagay ang susunod na pole sa kabilang sleeve. Itaas ang tent sa pamamagitan ng paghatak sa pole papunta sa paanan ng tent.

Kapag naabot na ng ibabang bahagi ng pole ang paanan ng tent, ikabit ang mga pole sa katawan ng tent sa parehong paraan tulad ng ginawa ninyo sa kabilang bahagi.

Ngayon, lumibot sa paligid nito at higpitan ang lahat ng clip sa mga pole.

Walang mga sleeve ang ilang modelo ng tent, sa halip ay mayroon ang ilan ng mga clip sa paligid.

Ngayong nakatayo na ang inyong tent, maari ninyo itong ikabit nang mabuti sa lupa.

Gawin ang anumang mga huling pagsasaayos sa pagkakapwesto ng tent bago kayo magsimula.

Ngayon, itulak ang bawat peg sa lupa sa 45 digri na anggulo.

Gawin ito hanggang sa nakasipit na lahat pababa ang mga strap at ang inyong tent ay matibay na.

Ngayon, maari ninyong ilagay ang fly sa inyong tent.

Simulan sa pamamagitan ng maingat na paghagis ng fly sa ibabaw ng tent na tila isa itong kumot.

Tiyaking ang harap ng fly ay nakatapat sa harap ng pasukan ng tent.

Karamihan sa mga fly ay kumakabit sa mga pole sa katawan ng tent o sa paanan ng tent kung saan nakakabit ang mga pole.

Hindi tinatagusan ng tubig ang fly ng tent at papanatilihin kayo nitong tuyo kung magiging masama ang panahon.

Ang ilang fly ng tent ay nangangailangan ng mga pole para ikabit sa fly.

Nagdedepende ito sa laki ng fly ng tent at modelo ng tent.

Kapag maayos nang nakakabit ang fly sa tent, kunin ang maluluwang na dulo at italasok ang mga ito sa lupa.

Ngayon, maaari ninyo nang simulang ipasok ang inyong tulugan at isaayos ang inyong tirahan na malayo sa inyong tahanan.

Tandaan: sa pamamagitan ng pagpapanatiling nakasara ang mga zipper sa pinto ng tent, mapapanatili nasa labas ang mga insekto.

Sa pamamagitan ng pag-aalis sa iyong sapin sa paa bago ka pumasok sa tent, maiiwan ninyo ang karamihan ng dumi sa labas at mananatiling malinis ang loob ng tent.

Handa na kayo ngayon para sa isang mahimbing na tulog sa gabi sa inyong bagong paboritong campground! Matulog nang mahimbing!

Para sa higit pang impormasyon tungkol sa camping, pakibisita ang seksyong Learn to Camp sa website ng Parks Canada.

www.parkscanada.gc.ca
o tumawag sa 1-888-773-8888
© Her Majesty the Queen in Right of Canada, represented by Parks Canada, 2012.

Madali lang magtayo ng tent…kapag isa o dalawang beses na ninyo itong nagawa. Upang mas padaliin ito, ibinalangkas namin ang mga hakbang ng pagtatayo ng tent. Maaari ninyong panoorin ang video o sundin ang mga tagubilin sa ibaba. Bago pa ninyo ito malaman, maitatayo na ninyo ang inyong tent at magagamit na ito!

Matutulungan kayo ng mga hakbang na ito sa pagtatayo sa inyong tent. Hindi lahat ng tent ay magkakapareho, nguni’t magkatulad ang mga prinsipyo.

1. Maghanap ng naaangkop na lugar na pagtatayuan ang inyong tent. Karamihan sa mga frontcountry campsite ng Parks Canada ay magtatalaga ng tent pad na paunang tutukoy kung saan dapat ipuwesto ang inyong tent. Kung wala ito, pumili ng lugar na walang anumang sagabal – mga ugat, bato, sanga at iba pang mga bagay na hindi magiging komportableng tulugan. Tiyaking patag at hindi dahilig ang lupa. Tandaan na dapat sapat ang layo ng lugar na ito sa inyong hukay na aapuyan upang hindi abutin ang inyong tent ng lumilipad na baga.

2. Alisin ang lahat ng laman ng tent bag.Tiyaking dala ninyo ang lahat ng inyong kailangan, kabilang ang katawan ng tent, sapin (kung kasama), fly ng tent, mga poste, mga panipit at mga guy-wire. Ilagay ang mga ito sa malapit upang ito’y nakahanda kaagad kapag gagamitin na.

3. Ilapag sa lupa ang inyong tent (at sapin). Kung kayo ay may sapin o apakan ng paa, ilapat ito sa lupa kung saan ninyo gustong itayo ang inyong tent. Pagkatapos ay igulong ang tent sa lugar na pagtatayuan. Tiyaking nakaharap ang pinto sa direksyon kung saan ninyo gustong pumasok at lumabas sa inyong tent.

Dulo ng isang poste ng tent Dulo ng isang poste ng tent
Dalawang seksyon ng poste ng tent Dalawang seksyon ng poste ng tent

4. Ikabit ang mga poste sa tent. Ang pinakaunang gawin ay ang ipagkabit-kabit ng mga poste. Maingat na ipasok ang bawa’t seksyon ng poste sa kasunod na poste. Ulitin para sa bawa’t poste. Ang mga tent ay karaniwang may dalawang paraan ng pagkakabit ng mga poste sa tent. Ang ilang tent ay gumagamit ng mga lagayan ng poste, at ang iba naman ay mayroong mga sipit. Ang ibang tent naman ay may kumbinasyon ng dalawa.

Mga Sleeve: Karamihan sa mga tent na may sleeve na disenyo ay mayroong dalawang sleeve na nagkukrus sa ibabaw ng tent. Magsimula sa isa sa mga sleeve at ipasok ang poste hangga’t lumabas ito sa dulo. Sunod, ipasok ang ikalawang poste sa kabilang sleeve. Ngayon, ikabit ang dulo ng mga poste sa aktwal na katawan ng tent. Ito’y maaaring gawin sa ibang paraan depende sa uri ng tent. Maraming tent ang mayroon lang uhetes sa paanan kung saan ipapasok ang dulo ng poste. Ang dulo ng poste ay pipigilan itong hindi kumalas. Ang ibang mga tent ay mayroong metal na pin at ring na nakakabit sa paanan ng tent na ipapasok sa ibabang bahagi ng poste.

Kapag maayos nang naikabit ang mga poste ng tent sa katawan nito sa kabilang bahagi, pumunta sa kabilang bahagi ng tent. Para sa mas malalaking tent, mas madali itong gawin ng dalawang tao. Bawa’t isang tao ay hahawak ng poste malapit sa ibabang bahagi at unti-unting itutulak ito upang pumasok ang poste sa mga sleeve; ito ang magtatayo sa katawan ng tent. Gawin ito nang dahan-dahan at kung makakaramdam kayo ng puwersa, tumigil upang tiyaking walang sagabal. Kung may sagabal at magpapatuloy kayo sa pagtulak, maaari ninyong masira ang poste o ang tent. Kapag naabot na ng ibabang bahagi ng poste ang paanan ng tent, ikabit nang maayos ang mga poste ng tent sa paraang kagaya ng ginawa ninyo sa kabilang bahagi.

Mga Clip: Bahagyang naiiba ang mga tent na may mga clip sa mga tent na may mga sleeve. Magsimula sa pamamagitan ng pagkakabit sa mga poste sa isang bahagi ng tent sa katawan ng tent. Depende sa uri ng tent, maaari itong gawin sa ibang paraan. Maraming tent ang mayroon lang uhetes sa paanan kung saan ipapasok ang dulo ng poste. Mayroon ang ibang mga tent ng metal na pin at ring na nakakabit sa paanan ng tent na ipapasok sa ibabang bahagi ng pole ng tent.

Kapag maayos nang nakabit ang poste ng tent sa katawan ng tent sa isang bahagi, pumunta sa kabilang bahagi ng tent. Baluktutin ang mga poste upang mag- arko ang mga ito at maayos na maikkaabit sa bahaging ito ng tent sa paraang kagaya ng ginawa ninyo sa kabilang bahagi. Mula sa ibabang bahagi ng bawa’t poste, ikabit ang poste sa bawa’t clip papataas. Sa pamamagitan nito, tatayo ang katawan ng tent. Ikabit ito sa mga poste ng tent.

Para sa mga tent na may kumbinasyon ng dalawang sistemang ito, magsimula sa mga sleeve at isunod ang mga clip. Para sa mga tent na may mas maraming poste para sa katawan ng tent, karaniwang magsisimula sa dalawa na magkukrus sa tuktok ng tent, at pagkatapos ay idagdag ang mga natitirang poste hanggang sa nakatayo na ang tent.

Uhetes para sa pagdaragdag ng mga panipit ng tent Uhetes para sa pagdaragdag ng mga panipit ng tent

5. Isipit ang tent sa lupa. Ngayong nakatayo na ang inyong tent, ikabit ito nang maigi sa lupa. Gawin ang anumang mga huling pagsasaayos sa pagkakapuwesto ng tent bago kayo magsimula. Karamihan sa mga tent ay mayroong mga panali na nylon ang hibla na naka-silo o may uhetes sa dulo. Maglagay ng panipit sa bawa’t isang panali at hilahin palayo sa tent upang mabatak ang sahig ng tent. Ngayon, idiin ang panipit sa lupa sa anggulong 45 digri. Gawin ito hanggang sa nakasipit na ang lahat ng panali at matibay ang pagkakatayo ng inyong tent. Hindi dapat idiin ang mga panipit nang nakadiretso dahil maaaring mahugot ang mga ito sa lupa kung hahangin nang malakas. Sa mga mahanging kalagayan, itinutulak ng hangin ang tent na nagbibigay ng pwersa sa mga panipit. Kung nakadiretso ang mga ito, walang panlabang pipigil sa panipit para iwasang dumulas sa pagkakabaon nito sa lupa.

6. Ilagay ang fly sa ibabaw ng tent. Karaniwan, tinatagusan ng tubig ang katawan ng tent. Papanatilihin kang tuyo ng tent fly kung sakaling sumama ang panahon. Kakailanganing kabitan ng mga poste ang ilang tent flies. Sa maraming disenyo, mas madaling ikabit muna ang mga poste, nguni’t maaaring hindi ito ang sitwasyon sa lahat ng modelo ng tent. Simulan sa pamamagitan ng maingat na paghagis ng fly sa ibabaw ng tent na tila isang kumot. Tiyaking nakatapat ang harap ng fly sa pasukan ng tent. Nakakabit ang karamihan sa mga fly sa mga poste ng katawan ng tent o sa paanan ng tent kung saan nakakabit ang mga poste. Magdedepende ito sa laki ng fly ng tent at modelo ng tent. Kapag nakakabit na ang fly, maaari nang ipasok ang inyong tulugan at iba pang kagamitan!

Tandaan:

  • Parating isara ang mga zipper sa mga pinto ng inyong tent. Mapapanatili ninyong nasa labas ang mga insekto – kung saan sila nararapat!
  • Alisin ang mga sapatos at tsinelas bago pumasok sa tent para maiiwasan ninyong magdala ng dumi sa loob.