Common menu bar links

Listahan packing (Checklist)

Tala : Pakitandaan na bagaman ang ilang impormasyon ay naisalin sa karagdagang mga wika para sa inyong kaginhawaan, ang mga natitira sa website ng Park Canada at serbisyo sa customer ay nasa dalawang opisyal na wika ng Canada : Pranses at Ingles.

This page is also available in English

Mga Kagamitan

Camping à Kouchibouguac Tent
© Parks Canada

Tent: Mag-arkila, bumili o manghiram ng tent na papanatilihin kayong tuyo at komportable. Mag-ensayong magtayo ng tent sa bahay bago ang inyong unang camping trip.

Groundsheet: Ang groundsheet ay isang telang inilalagay sa ilalim ng inyong tent upang g protektahan ang sahig ng inyong tent.

Tarpaulin: Magdala ng "tarp" o tarapal at itayo ito sa ibabaw ng mesang pampiknik para mapanatili kayong tuyo kung sakaling umulan.

Sleeping bag: Kung wala kayong sleeping bag, magdala ng kumot at sapin mula sa bahay.

Unan: Para sa karagdagang ginhawa, magdala ng maliit na unan. Kung mas gugustuhin ninyo, maglagay ng sobrang damit sa isang supot para maging pansamantalang pangkamping na unan.

Sleeping pad o air mattress: Ang sleeping pad o mat ay inilalagay sa ilalim ng inyong sleeping bag para sa karagdagang ginhawa at init.

Lampara: Gumamit ng de-bateryang lampara sa loob ng inyong tent; ang mga lamparang pinapagana ng gaas o petrolyo ay mainam lamang na gamitin sa labas at hinding-hindi dapat gamitin sa loob ng mga tent.

Mga lente o headlamps na may mga ekstrang baterya: Ang lenteng headlamp ay hindi na kailangang hawakan upang ilawan kung ano man ang inyong ginagawa. Mainam na may isang headlamp para sa bawa't camper.

Lubid o tali: Ang lubid o tali ay maaaring gamitin sa maraming bagay kabilang ang paggawa ng mga sampayan at pagsasabitan ng mga tarapal.

Duct tape: Ang duct tape ay matibay, hindi tinatablan ng tubig at maaaring gamitin na pansamantalang pang-ayos sa halos anumang bagay!

Stuff sack: Ang mga bag na ito ay nakakatulong para isiksik at isaayos ang inyong mga damit.

Kagamitang Pangkusina

Kagamitang pangkain (pinggan/baso/mangkok/mga kasangkapan): Ang yari sa plastic o asero na pinggan, baso, mangkok at kasangkapan ang pinakamainam dahil matitibay, sadyang magagaan at nagagamit muli ang mga ito.

Camp stove: Maraming uri ang mga camp stoves, kaya humingi ng payo upang makahanap ng modelong pinakamainam para sa inyo.

Pampaningas: Ang pampaningas ay nakukuha sa iba't ibang hugis at anyo kaya tiyaking tama ang inyong gagamiting sakalan o lampara.

Malaking mangkok: Ang malaking mangkok ay mainam gamitin sa paghahalo ng mga sangkap kapag naghahanda ng mga pagkain sa campsite.

Sangkalan: Ang sangkalan ay magiging kapaki-pakinabang sa paghiwa ng mga sangkap kapag naghahanda ng mga meryenda at pagkain.

Spatula/ Kahoy na kutsara/ Salaan/ mga Tong: Isaalang-alang kung anong mga pagkain ang inyong ihahanda at tandaang balutin ang mga kasangkapang kakailanganin sa pagluto ng mga ito.

Mga Kaldero/ Kawali: Magdala ng mga kaldero at kawali na idinisenyo para sa pagluluto sa apoy kung binabalak ninyong magluto sa apoy.

Potholder/Oven mitt: Pananatilihing komportable ng potholder o oven mitt ang inyong mga kamay sa paglilipat ninyo ng inyong mga kaldero at kawali papunta o mula sa kalan o apoy.

Pot gripper: Ang ilang kawali at kalderong pangkamping ay walang hawakan at gumagamit ng gripper na may hugis na clamp bilang pambuhat at panlipat ang kawali o kaldero.

Palanggana: Magdala ng malaking plastik na lalagyan o kaban na maaari ninyong punuin ng tubig at kung saan maghugas ng inyong mga pinagkainan.

Biodegradable na sabong panghugas ng pinagkainan: Tiyakin na ang sabong panghugas ng pinagkainan ay biodegradable, at itapon ito sa mga lababo o alulod, hindi sa mga lawa o sa lupa. Tingnan ang seksyong "Camping Basics" upang magkaroon ng higit pang kaalaman.

Cooler ng pagkain: Ang cooler ay kayang sirain ng mga hayop kaya tiyaking itago ito nang maayos sa gabi o anumang oras na wala kayo sa inyong campsite.

Mga posporo/lighter na hindi sinisira ng tubig: Kung wala kayong mga posporo o lighter na hindi sinisira ng tubig, itabi ang inyong mga posporo sa isang lalagyan o bag na hindi pinapasukan ng tubig.

Pambukas ng lata: Kung wala kayong pambukas ng lata sa inyong lanseta, magiging kapaki-pakinabang ang pagdadala ng nakahiwalay na pambukas ng lata.

Mantel: Magdala ng matibay at nagagamit muling mantel na yari sa plastik. Madali itong linisin pagkatapos kumain at hindi ito mababasa ng ulan.

Aluminum foil: Kapaki-pakinabang ang aluminum foil sa campsite, lalo na sa pagluluto sa apoy at pagbabalot ng mga tirang pagkain.

Mga paper towel: Tulad ng sa bahay, maaaring maging kapaki-pakinabang ang mga paper towel sa paglilinis ng mga natapon at kalat.

Mga supot ng basura: Mainam ang pagkakaroon ng ilang supot ng basura para sa pag-iimbak sa lahat ng inyong basura. Huwag kalimutang iimbak ang mga basura sa inyong sasakyan sa gabi.

Mga kandila at sisidlan ng kandila: Magbibigay ng kaunting liwanag ang mga kandila at tea light sa mesang pampiknik, lalo na kung wala kayong lampara. Inirerekomenda ang sisidlan ng kandila na hindi natatangay ng hangin.

Personal na Kagamitan

Pamatay-insekto: Maraming nakukuhang pamatay-insekto na may iba't ibang sangkap, kaya tiyaking maghanap ng naaangkop para sa inyo.

Sunscreen: Mahalaga ang sunscreen - lalo na sa matataas na lugar kung saan mas matindi ang sikat ng araw, at sa tubig, kung saan ang sikat ng araw ay dumadami sa pamamagitan ng repleksyon.

Pito: Ang magandang pito ay maaaring mag-alerto ng mga tao sa layong kayang dinggin kung kayo'y nasa panganib.

Tiyani: Magagamit ang tiyani sa pag-aalis ng mga bagay tulad ng mga tinik sa mga daliri.

Gel ng sabila: Ang sabila ay nakakaginhawa sa balat na nasunog ng araw.

Personal na Kalinisan

Biodegradable na shampoo at sabon: Maghanap ng shampoo at sabon na biodegradable. Tandaan - kahit ang mga produktong biodegradable ay kailangang itapon sa lababo o alulod, hindi sa lawa.

Pagka- camping Nang May Mga Kasamang Bata

Mga diaper at mga pamunas: Magdala lamang ng sapat na diaper at pamunas (at kaunting karagdagan) para sa biyahe. Hindi kailangang magbitbit ng isang buong pakete!

Karagdagang damit/ Sapin sa paa: Magbalot ng ilang ekstrang pares ng damit at sapin sa paa upang matiyak na mananatiling tuyo at komportable ang mga bata. Nasisiyahan ang mga bata sa camping, nguni't madalas silang mabasa at marumihan nang mas mabilis kumpara kapag nasa bahay.

Pagka-camping Nang May Mga Alagang Hayop

Tali: Maraming national parks ang may mga alituntunin hinggil sa pagtatali sa mga alagang hayop - tiyaking alam ninyo ang mga ito bago kayo bumiyahe.

Mga supot para sa dumi ng alagang hayop: Tandaang maglinis pagkatapos dumumi ang inyong alagang hayop.

Pagkain ng alagang hayop: Tulad ng inyong pagkain, dapat iimbak nang maayos ang pagkain ng alagang hayop sa gabi at anumang oras na wala kayo sa inyong campground.

Brush: Magiging kapaki-pakinabang ang brush sa pag-alis ng dumi at anumang iba pang bagay sa balahibo ng inyong alagang hayop.

Iba pa

Mga sipit ng damit: Magdala ng ilang sipit ng damit upang isabit ang mga basang gamit sa sampayan.

Maliit na walis at pandakot: Gumamit ng maliit na walis at pandakot upang walisin ang anumang mga dahon, pine needle at dumi at upang panatilihing malinis at maayos ang inyong tent.

Mga Gamit sa Pangunang Lunas (First Aid Kit): Tiyaking kumpleto at napapanahon ang inyong mga gamit sa pangunang lunas.

Dyaryong pampaningas ng apoy: Kung wala kayong anumang dyaryo, maaari ding gumamit ng anumang uri ng papel.