Transcript
Text sa screen:
Pagka-Camping nang may Mga Hayop
Pagsasalaysay:
Hello! Bonjour! Magandang Araw po! Ako si Britney, at nagtatrabaho ako sa Parks Canada. Narito ako upang kausapin kayo tungkol sa camping nang may mga hayop,at kung paano panatilihing malinis at ligtas ang iyong campsite laban sa mga hayop, gaya ng mga squirrel, raccoon o iba pang maliliit na hayop na nag- ngangatngat—pati na ang posibilidad ng mga oso.
Itong nandito ay isang halimbawang nakakaakit sa mga hayop (wildlife attractant) at hinihiling naming panatilihin ang inyong campsite na wala ang mga ito kung kayo ay wala sa lugar.
Ang pagkain, nakabukas man ito o nakasara, ay kinakailangang nasa loob ng isang sasakyan o kaya'y sa loob ng imbakan ng pagkain.
Ang “Attractants” ay maaari ring isaalang-alang kung mayroon kayong pamatay-insekto, mga kandilang gawa sa citronella o kahit na mga gamit sa banyo tulad ng toothpaste at deodorant. Itinuturing ang lahat ng ito na nakakaakit sa mga hayop dahil ang mga ito ay mayroong amoy.
Ang palamigan (coolers)ay napaka importante, naka-bukas man o naka-sara, na kailangan ding itabi sa isang ligtas na lugar.
Alam ng mga hayop kung ano ang nasa loob ng mga palamigan na ito, kaya kahit na nakasara ay maaari pa ring makaakit ang mga ito sa mga hayop.
Napakahalaga na malaman ng aming campers na hindi namin pinapahintulutan ang mga mga bagay na nakakaakit ng mga hayop sa loob ng tent.
Kaya ang pagkain, mga palamigan, basura—anumang bagay na mayroong amoy, hindi namin gustong nakatabi ito sa loob ng isang tirahang may maninipis na dingding tulad ng sa tent. Naamoy ng mga hayop ang nasa kabilang bahagi ng ganitong materyal at maaari itong maging mapanganib.
Ang hinihiling namin sa aming mga camper ay panatilihin nakatago ang mga kagamitang nakakaakit sa mga hayop sa loob ng isang bear box, o isang sasakyan, o anumang iba pang uri ng imbakang may matitigas na dingding. Mainam na din ang isang motor home.
Ang isang bear box ay isang compartment na maaaring imbakan ng inyong mga kagamitang nakakaakit sa mga hayop—kaya ang mga basura, pagkain at palamigan ay hinihiling naming iyong itabi lahat sa loob ng bear box, na nakasara nang maigi.
Kadalasan sa aming mga camper ay dumadating na may sasakyan, kaya ang aming pakiusap ay kung maaari, itabi nila ito sa loob ng kanilang sasakyan, nang hindi nakikita at hindi naaamoy.
Napakahalagang manatiling ligtas ng mga hayop, at manatiling ligtas ng mga camper, at iyon ang dahilan kung bakit namin hinihiling na huwag mag-iwan ng mga gamit na nakakaakit sa mga hayop sa lahat ng campsites.
Text sa screen:
Para sa higit pang impormasyon tungkol sa camping, pakibisita ang seksyong Learn to Camp sa website ng Parks Canada.
www.parkscanada.gc.ca
o tumawag sa 1-888-773-8888
© Her Majesty the Queen in Right of Canada, na kinakatawan ng Parks Canada, 2012.